Tugeugarao City- Kinondena ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang pagkakabaril ng Deputy Chief of Police ng PNP Peñablanca matapos ang kanilang operasyon kontra illegal logging sa Brgy. Minanga, Lagum Area, Peñablanca, Cagayan.
Batay sa report ng pulisya, pinangunahan ni PLT Randy Baccay ang kanyang tropa para sa nasabing operasyon at pauwi na sila ng bigla nalamang paputukan ng baril ang kanilang sasakyan.
Dahil dito ay tinamaan ng bala ng baril sa bahaging puwit si Baccay kaya’t agad na isinugod sa pagamutan.
Ayon kay Gov. Mamba, hindi ito ang unang pagkakataon na may mga otoridad ang binabaril at napapatay sa nasabing bayan tuwing magsasagawa ng operasyon kontra iligal na pangangahoy.
Maaari aniyang may protektor ng illegal logging sa lugar kaya’t nahihirapan ang mga otoridad tuwing naglulunsad ng operasyon.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng PNP ang nasabing insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis tumakas matapos ang pagngyayari.
Maalalang hindi ito ang unang pagkakataon na makapagtala ng insidente sa lugar kaugnayan sa illegal logging dahil tatlong Forest Rangers ng DENR na rin ang napaulat na nasawi matapos ang kanilang operasyon.