TUGUEGARAO CITY – Sugatan ang isang negosyante matapos barilin ng isang lalaki sa mismo nitong shop dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-iinuman ang biktima na si Roberto Dayrit, 31-anyoos ,residente ng Brgy. Annafunan East sa loob ng motor parts and shop na pinapatakbo nito ,kasama ang kanyang kapatid at iba pang kasamahan nang lapitan sila ng suspek na si Betrio Narag Jr., 31-anyos residente ng Brgy linao East.

Hinanap umano ng suspek ang kanyang kapatid ngunit itinanggi naman ng biktima na kakilala niya ang tinutukoy ng suspek.

Dito na umano kinuha ng suspek ang kanyang calibre 22 at pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng tama ng baril ang biktima sakanyang pisngi na kaagad namang isinugud sa pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukan namang tumakas ang suspek ngunit nahawakan ito ng mga kasamAhan ng biktima na dahilan ng kanyang pagkahuli.

Nakuha mula sa suspek ang baril na ginamit sa pamamaril na may tatlong bala at isang fired cartridge.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.