TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ng Department of Health (DOH)-Region 02 na ligtas pa rin ang breastfeeding sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (covid-19).

Payahag ito ni Nerissa Mabbayad, nutrition program coordinator ng DOH-R02 dahil may ilang mga ina umano ang lumipat sa formula milk o bottle feeding dahil sa pangambang mahawaan ang sanggol sa virus.

Ayon kay Mabbayad, hindi basta-bastang mahahawaan ang isang sanggol sa virus dahil sa anti-bodies na taglay ng gatas na mula sa ina o breast milk

Gayonman, sinabi ni Mabbayad na kailangang sundin ng mga ina ang ang mga health protocols laban sa virus tulad ng pagsusuot ng face mask , maghugas ng kamay bago at pagkatapos magpa- breastfeed at ugaliing maglinis sa loob ng bahay.

Mariin namang ipinagbabawal ng DoH ang paglagay ng mga gatas sa mga ibinabahaging ayuda sa mga pamilya na apektado ng krisis dahil ang gatas ng ina pa rin ang pinakamagandang sustansiya para sa mga sanggol.

-- ADVERTISEMENT --