
TUGUEGARAO CITY-Huli ang isang Barangay Kagawad sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agnecy (PDEA) sa Bayan ng Baggao.
Kinilala ang suspek na si Anghel Rumbaoa, 47-anyos ng Barangay Bagunot at ikinukunsiderang high value target.
Batay sa report ng PDEA-RO2, nakuha sa Brgy, kagawad ang isang pakete ng shabu na may timbang na isang gramo na nagkakahalaga ng P6,000 , cellphone at ang ginamit na motorsiklo.
Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous drugs Act of 2020.