TUGUEGARAO CITY-Nananawagan ang mga residente ng Brgy. Racat, Sta Ana,Cagayan na sana ay i-relocate at bigyan sila ng tulong financial bago tuluyang gibain at sirain ang kanilang mga tahanan.
Ayon kay Jing Jing Collado, isa sa mga residente sa lugar, handa naman umano silang umalis, bastaโt may lilipatan at pinansyal na ibibigay.
Aniya, isa umanong Engr. Rogelio Ordina ang nagpagiba sakanilang mga tahanan para tuluyang makuha ang lupa.
Ipinagtataka lamang umano ni Collado maging ang kanyang mga ka-barangay kung bakit walang maipakitang dokumento si Ordina na siya ang nagmamay-ari ng lupa.
Una rito, sinira ng demolition team ang 16 na kabahayan sa lugar noong buwan ng marso at apat nitong nakalipas na araw.
Aniya, mula sa 16 na unang sinira ang bahay, nakatanggap umano ang mga ito ng P20,000 mula sa hindi pa malamang grupo habang wala namang natanggap ang mga may-ari ng huling apat na na sinira.
Bagamat may ibinibigay na pera, sinabi ni collado na hindi ito sapat para sa kanilang panibagong tirahan at sakanilang pagsisimula.
Hindi na rin umano alam ng Barangay Racat kung kanino sila lalapit dahil maging ang mga kapulisan at Local Government Unit (LGU) ay kakampi na ng mga demolition team.
Aniya, may mga empleyado na umano ng LGU na nagtutungo sakanilang lugar at tinatanong kung kailan aalis ang mga residente sa kanilang Barangay.
Sinabi ni Collado na mula sa mahigit 30 kabahayan sa lugar ay siyam na bahay na lamang ang natitira ,na nakatakda din umanong sirain ngayong araw.
Nabatid na ang nasabing Brgy. ay malapit sa dagat na may lawak na tatlong hektarya.