TUGUEGARAO CITY-Kulong ang isang barangay tanod sa lungsod ng Tuguegarao sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad.

Nahuli ang suspek na si Ronnie Taguba ng Barangay Ugac Sur matapos magpanggap na buyer ang isang pulis.

Nakuha mula kay Taguba ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu .

Nabatid na kasama ang suspek sa Regional priority number 10 sa ilalim ng “coplan rota” ng mga otoridad.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Pnp-Tuguegarao ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --