TUGUEGARAO CITY-Tinutugis na ng kapulisan ang isang lalaki matapos niyang barilin ang kanyang tiyuhin gamit ang airgun sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ayon kay police staff sergeant Bernabe Dayag ng PNP-Gonzaga, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek na si Rodel Fulgencio, 31-anyos at ang kanyang kapatid na si Frellie habang nag-iinuman.

Sa kalagitnaan ng bangayan ng magkapatid, pumagitna ang biktima na si Rudy Fulgencio, 42-anyos, Brgy Treasurer ng Brgy Cabiroan, tiyuhin ng magkapatid.

Kinuha ng suspek ang kanyang airgun at itinutok sa kapatid.

Nang babarilin na ng suspek ang kapatid ay tumakbo ito sa tiyuhin kung kaya’t ang biktima ang tinamaan ng bala ng airgun.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo ng tama ng airgun ang biktima sa kanyang tagiliran na agad namang isinugud sa pagamutan.

Bigo namang mahuli ng kapulisan ang suspek dahil wala na ito sa lugar nang rumesponde ang kanilang hanay.