Nabakunahan na laban sa COVID-19 ang regional director ng Police Regional Office 2, kasama ang iba pang miyembro ng pulisya na may commorbidity o karamdaman.
Matapos maturukan ng Aztrazeneca vaccine, inihayag ni BGEN Crizaldo Nieves na wala siyang naramdamang side effect sa naturang bakuna maliban sa regular na sakit ng injection at excitement sa pagkakabakuna.
Umaasa naman si Nieves na makahikayat sa kanyang mga kasamahan at tauhan ang pagpapaturok niya ng bakuna. Kung saan target ng PR02 Regional Health Services Unit na maturukan ang nasa 400 pulis.
Ito ay panibagong bugso ng pagbabakuna sa mga nakatatandang PNP memebers at may comorbidity, kasunod ng pagbabakuna noong Marso sa mga health personell ng PNP R02.
Gayunman, target pa rin na mabakunahan ang lahat ng mga PNP-members sa oras na availlable na ang bakuna para sa kanila.
sa ngayon, bagamat marami nang mga nagpositibo sa COVID 19 sa panig ng mga pulis ng rehiyon ay nananatili naman sa isa ang namatay mula sa kanilang hanay.