
Pinagpapaliwanag ngayon ang pulis sa viral na “Bring Me Challenge” sa Cebu.
Ayon kay PNP spokesperson BGen. Randulf Tuano, ang nasabing video ay unang i-pinost ng pulis sa kanyang personal social media account.
Sa direktiba ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinagpapaliwanag na ang naturang pulis at ang agarang pag-take down ng video sa online platform.
Kinumpirma rin ni Anti-Cybercrime Group Director PBGen. Bernard Yang na, bagama’t pinatanggal na ang video, ito ay na-preserve bilang bahagi ng imbestigasyon.
Sinabi ni Tuaño, personal na inisyatiba umano ng pulis na naka assign sa Talisay City Cebu ang ginawang “Bring Me Challenge,” at ginamit pa nito ang sariling pera rito.
Nabatid na pinapa “ Bring me” nito ang mga unregistered firearms at drug users.
Gayunman, binigyang-diin ni Tuaño na ito ay malinaw na paglabag sa Police Operational Procedure , na itinuturing na “bibliya” ng bawat kasapi ng PNP.
Kasunod nito, inilagay na rin ang naturang pulis sa administrative relief.
Ayon pa sa opisyal, simula ngayong araw ay ipinatupad ang direktiba ng PNP leadership hinggil sa bring me challenge.
		
			









