Nagdagdag ng Guinness World Record sa kanyang resume ang isang British soccer player matapos maglakad ng anim na kilometro habang pinatatalbog ang soccer ball gamit ang kanyang paa.

Lumipad pa-Morocco si John Farnworth upang makapagtala ng bagong Guinness World Record.

Upang magawa ito, kailangan niyang maglakad ng hindi bababa sa layong 3.4 milya o halos 6 kilometro habang pinatatalbog ang bola sa kanyang paa.

Tagumpay naman si Farnworth, na nakapagtala ng bagong world record matapos lakarin ang 3.61 miles sa loob ng 1 oras.

Ayon kay Farnworth, ang pagsuong sa sandstorms ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang world record attempt.

-- ADVERTISEMENT --

Ang hirap daw kasing kontrolin ng bola habang hinahampas siya ng hangin at naliligo sa buhangin na dala ng sandstorm.