Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na napilitan ang BRP Teresa Magbanua na bumalik sa daungan dahil sa masamang kondisyon ng panahon, kakulangan ng suplay ng pagkain, at ang pangangailangan na i-repatriate ang mga tauhan na nangangailangan ng medikal na atensyon.
Ang structural damage ng barko ay lumala dahil sa mga nabanggit na isyu kung saan pagdating ng barko sa Puerto Princesa, agad nilang pinakain ang mga crew members na gutom at ilan sa kanila ay dehydrated.
Hindi na rin nakatatanggap ng supply ang barko dahil sa pagharang ng China Coast Guard sa mga resupply missions para sa Magbanua. Nanawagan din ang China na alisin ang barko mula sa Escoda Shoal.
Ayon sa PCG, ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua mula sa lugar ay dulot ng mga humanitarian reasons. Nagtamo ng pinsala ang Magbanua dahil sa pagbangga ng China Coast Guard.