Sinuspindi NBA ng 25 na laro na walang bayad si Milwaukee Bucks forward Bbby Portis Jr. dahil sa paglabag sa drug policy ng liga.
Positibo si Portis sa paggamit ng droga na Tramadol, isang gamot para sa matinding nararamdamang sakit sa isang adult.
Sinabi ni Portis na nakakaranas siya ng elbow injury at gumagamit umano siya ng NBA-approved medication para sa sakit at inflammation.
Inamin ni Portis sa nasabing panahon ay nagkamali siya at uminom siya ng gamot na hindi aprubado ng NBA.
Kasabay nito, humingi siya ng tawad sa Bucks organization, sa kanyang teammates, coaches, pamilya at fans.
Kaugnay nito, sinabi ni Bucks general manager John Horst na isa itong mahirap na usapin para kay Portis at sa kanilang team.
Ayon sa kanya, patuloy ang kanilang suporta kay Portis at iginagalang nila ang desisyon ng NBA/NBAPA Anti-Drug Program.
Si Portis ay 30-anyos, at mayroon siyang 13.7 points, 8.3 rebounds at 2.2 assists sa 46 na laro ngayong season.