Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Corrections na ligtas mula sa mpox ang mga kulungan na nasa ilalim ng pamamahala nito.

Ayon kay Director General Gregorio Catapang Jr., walang mga preso na apektado na mpox sa naturang kulungan, batay na rin sa regular monitoring na ginagawa ng mga health personnel ng bureau.

Mahigpit din aniya ang ginagawang screening sa mga bagong-dating na mga preso, kasama ang screening sa mga dumadalaw o bumibisita sa mga preso bilang pag-iingat laban sa naturang sakit.

Ayon kay Catapang, agad na tinutugunan ang mga preso na nakikitaan ng mga sakit at nilalapatan ang mga ito ng agarang lunas.

Ayon pa sa retiradong heneral, malaking tulong sa mga preso ang pagkakaroon ng pagluwag sa mga kulungan at naiiwasan ang pagdidikitan o pagkukumpulan ng mga habang nasa loob ng mga selda.

-- ADVERTISEMENT --