Tumaas ang budget para sa local at foreign missions maging ang state visits sa susunod na taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa 2026 National Expenditure Program, ang local o foreign missions at state visits ay may inilaan na pondo na mahigit P1.018 billion.

Ito ay mas mataas mula sa mahigit P982,000 na budget ngayong taon.

Ang pinakahuling biyahe ni Marcos ay ang kanyang state visit sa Republic of India.

Bago nito, nagkaroon siya ng official visit sa Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Donald Trump.

-- ADVERTISEMENT --

Dumalo rin ang Pangulo sa ASEAN Summit at Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia noong buwan ng Mayo.

Una rito, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang foreign visits ni Marcos ay nakalikha ng mahigit 200,000 na trabaho para sa mga mamamayan ng bansa.

Sinabi niya na ang may maraming nalikhang trabaho ay sa power, renewable enery, at electronics manufacturing.

Ang kabuuang panukalang budget para sa Office of the President para sa 2026 ay P27.362 billion, na mas mataas sa P15.9 billion sa ilalim ng national budget ngayong taon.

Ayon sa Department of Budget and Management, ang OP ang may pinakamataas na confidential at intelligence funds allocation na P4.5 billion.