Napasama ang sinigang, sinigang na baboy, at bulalo sa listahan ng Best Soups in the World ngayong 2024, ayon sa international food taste database Taste Atlas.
Ang sinigang, ay ranked 17th sa top 50 list na may 4.5 rating.
Ranked 38th naman ang sinigang na baboy na may 4.4 stars.
Nasa 37th place naman ang sikat na bulalo ng Tagaytay.
Ayon sa TasteAtlas, ang Sinigang ay isang maasim na sabaw na Pinoy na may halong sampalok, kangkong, sili, repolyo, brokoli, talong, kamatis, sibuyas, luya, bawang, sitaw, patis, at asin sa isang simpleng sabaw na may hugas-bigas at pampaasim. May iba’t ibang bersyon ng Sinigang base sa karne tulad ng baboy, isda, bangus, hipon, manok, o baka.
Ang Sinigang na Baboy ay may sariling write-up, na nagsasaad ng mga sangkap tulad ng kamatis, sibuyas, bawang, okra, labanos, kangkong, at mahahabang green peppers. Kahit may Sinigang mix na nabibili sa supermarket, marami pa ring Pinoy ang mas gustong magluto mula sa simula. Napansin din ng TasteAtlas na may katulad na dish ang Malaysia na tinatawag na Siniggang.
Samantala, tinawag ng TasteAtlas ang Bulalo bilang tradisyunal na sabaw ng Luzon na gawa sa beef shanks at marrow bones na pinapakuluan hanggang matunaw ang taba at collagen sa sabaw.
Sa Top 5 ng listahan ay kasama ang Bori-bori ng Paraguay, mga meat soups ng Indonesia na Rawon at Soto Betawi, at Ramen ng Japan (No. 5 ang Yokohama-style na Ramen).
Ang Taste Atlas ay isang gastronomical and experiential travel guide na nagpo-promote ng culinary cultures sa buong mundo.
Naglalaman ito ng mahigit 10,000 native at specialty dishes, drinks,recommended restaurants, at local produce bilang guide sa mga nagnanais na bumiyahe abroad.