Walong minutong nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang ash emission sa summit crater ng Kanlaon Volcano dakong 2:32 ng hapon, at umabot ito nang limang minuto base sa seismic at infrasound records nito.

Naiulat daw ang ashfall sa mga barangay na Abuanan, Binubuhan, Dulao, Ilijan, Ma-ao, at Mailum, Bago City, Negros Occidental.

Nananatili pa rin ang alert status ng bulkan sa Alert Level 3 (magmatic unrest).

Matatandaang noong Disyembre 9, 2024 nang itaas sa Alert Level 3 ang Kanlaon matapos maitala ang pagputok nito.

-- ADVERTISEMENT --