Kabuuang 150 rockfall events at 90 pyroclastic density currents (PDCs) ang naitala sa Mayon Volcano sa Albay sa nakalipas na 24 oras habang nananatili ito sa Aler Level 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito ay base sa 24-hour monitoring bulletin ng Phivolcs.

Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na delikado ang PDCs dahil ang mga ito ay pagragasa ng magkahalong abo, mga bato, at gases at mabilis itong dumaloy mula sa crater sa bilis na hanggang 100 kilometers per hour.

Bukod dito, sinabi ng Phivolcs na ang lava dome effusion at collapse ay naobserbahan sa bulkan na may lava flow.

Makikita rin ang crate glow mula sa bulkan.

-- ADVERTISEMENT --

Nakaipon ang bulkan ng 214 tons ng sulfur dioxide buhat noong Huwebes.

Kalaunan ay nagbuga ito ng plume na may taas na 500 meters mula sa crater.

Dahil dito, sinabi ng Phivolcs na nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pagpasok sa six-kilometer radius o ang permanent danger zone, pagpasok ng walang pag-iingat sa extended danger zone, at paglipad ng anomang aircraft malapit sa bulkan.