Muling nag-alburoto ang Taal Volcano matapos na magkaroon ng minor phreatomagmatic eruption kaninang umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nairecord ang pagputok nito kaninang alas-9:48 ng umaga hanggang alas-9:50 kung saan tumagal ito ng humigit-kumulang dalawang oras.

Nagbuga ito ng malaabong plume kung saan umabot sa 750 meters ang taas nito mula sa itaas ng crater ng Taal at papuntang timog-kanluran.

Nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 1 ang bulkan kung saan bawala pa rin ang pagpasok at pamamalagi sa Taal Volcano Island at Daang Kastila Fissure.

Samantala, ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft sa tuktok ng bulkan.

-- ADVERTISEMENT --