Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na walang puwang sa mga eskwelahan ang bullying kasabay ng muling pagtiyak sa pagsusulong ng safe learning spaces para sa mga estudyante.
Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na seryoso nilang tutugunan ang mga kaso ng bullying habang nagsasagawa ng agarang aksion at patuloy na pagsisikap para matiyak ang ligtas at suportadong lugar para sa lahat.
Nananatiling committed ang DepEd sa pakikipagtulungan sa mga magulang, mga guro, at komunidad para matiyak ang na ligtas ang mga learners.
Sa Senate hearing noong Martes, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na nasa 1,314 na kaso ng campus violence ang naitala mula November 24, 2022 hanggang April 7, 2025, ang kalahati nito ay kagagawan ng learner.
Sinabi ng DepEd na regular ang kanilang ginagawang comprehensive assessment upag matiyak na ang ang child protection committee sa mga eskwelahan ay aktibo at epektibo.
Pinalawak din ng ahensiya ang mental health services sa mga paaralan at binago ang implementing rules and regulations ng Anti-Bullying Act at Safe Spaces Act para matugunan ang modernong mga hamon, tulad ng online harassment at peer violence.