TUGUEGARAO CITY-Nakita na ang Cessna plane 206 na missing noong Enero 24 ngayong taon.
Sinabi ni Engr. Ezekiel Chavez , head MDRRMO Divilacan at Atty. Constante Foronda, head ng Incident Management Team na nakita ang wreckage sa kabundukan ng Sierra Madre.
Ayon sa kanila, isang katutubong Dumagat ang sinasabing nakakita sa hiwa-hiwalay na bahagi ng sasakyang panghimpapawid kung saan ay may mga nakasabit at ang iba ay nakabaon sa lupa.
Mayroon ding nakita na nagkalat na mga damit.
Ayon pa sa kanila, nakilala na ang mga katawan kung saan may isa na nahiwalay sa kumpol ng mga katawan at may posibilidad din na may naihiwalay na bahagi ng katawan.
Sinabi nina Fronda at Chavez na posibleng sa loob ng tatlong araw ay maibaba na ang mga katawan ng sakay ng Cessna plane kung saan ibababa ito mula Divilacan papuntang Maconacon at isasakay sa chopper papunta naman sa lungsod ng Cauayan.
Ayon kay Fronda, hindi sila maglalabas ng larawan ng mga labi.