
Isang police officer ang tumulong sa isang babae na manganak sa gilid ng kalsada sa Taguig City.
Batay sa ulat, papunta sana ang babae sa ospital nang biglang manganak sa isang plaza.
Nang dumating ang pulis, nakasilip na ang ulo ng sanggol, at kahit wala siyang karanasan sa pagpapaanak, tinulungan niya itong mailuwal ang bata.
Dinala naman ng opisyal ang ina at sanggol sa kalapit na lying-in clinic gamit ang tricycle matapos maantala ang police mobile dahil sa trapiko.










