Hanggang sa malalakas na pag-ulan na ang posibleng maranasan sa silangang mga bahagi ng Southern Luzon at Visayas dahil sa trough ng papalapit na Tropical Depression Kristine. May mga kalat-kalat na pag-ulan na rin sa malaking bahagi pa ng bansa.

Malakas hanggang sa matinding pag-ulan ang inaasahan sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur at Northern Samar. Mataas ang tiyansa ng mga kabi-kabilang mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Bicol Region, nalalabing bahagi ng Eastern Visayas, Quezon, Romblon at Marinduque. May tiyansa ng mga pagbaha at at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na madalas apektado ng mga ito.

Ang Metro Manila, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, BARMM, Aurora, at nalalabing mga bahagi ng CALABARZON at Visayas ay makakaranas rin ng makulimlim na papawirin at mga kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorm.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay mga localized thunderstorm naman ang posibleng magpaulan.

-- ADVERTISEMENT --