
Pansamantalang isasara ang Buntun Bridge sa lungsod ng Tuguegarao sa sandaling umabot na sa 12 meters ang water level ng ilog sa nasabing lugar.
Sinabi ni Engr. Esmeralda De Guzman, head ng third Engineering District ng Cagayan na may nagbabantay na sa mga bayan ng Enrile at Solana at maging sa Santiago, Isabela para agad na masabihan ang mga motorista kung sakaling isasara na ang nasabing tulay.
Ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng ilog kasunod ng pananalasa ng bagyong Uwan, kung saan ito sa nakakaapekto dito ang pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.
Sinabi ni De Guzman na may mga alternate route sa kailangang pumunta ng Tuguegarao na dadaan sa Isabela.
Gayunpaman, ipinayo ni De Guzman na kung walang namang mahalagang lakad sa Tuguegarao ay mas mainam na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe.
Samantala, umaabot na sa 46,862 families o mahigit 100,000 individuals ang naapektohan ng super typhoon sa limang probinsiya sa region 2.
Bukod dito, ayon kay DSWD Region 2 director Lucia Alan, 25 na totally damaged na mga bahay habang 142 ang partially damaged.
Idinagdag pa ni Alan na nabigyan na rin nila ng financial assistance na P40,000 ang kambal na namatay sa Barangay Balangabang, Kayapa, Nueva Vizcaya na natabunan ng landslide noong November 9.










