Patuloy na binabantayan ang water level sa Buntun bridge sa Tuguegarao City.

sa pinakahuling monitoring, nasa warning level na 8.2 meters ang antas ng tubig sa Buntun.

Dahil dito, pinag-iingat ng mga kinauukulan ang publiko na manatiling naka-alerto sa mga posibleng pagbaha bunsod ng nararanasan pa ring mga pag-ulan.

Sa ngayon ay impassable na ang mga kalsada sa Pinacanauan Nat Tuguegarao at maging ang Pinacanauan overflow bridge dahil sa umapaw na ang tubig mula sa ilog.

Nasa warning level na 7.15 meters ang Palattao bridge sa Centro Enrile.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, naglabas na ng abiso ang LGU Enrile para sa posibleng pre-emptive evacuation sa mga residente na maapektohan ng patuloy na pagtaas ng tubig sa ilog.

Samantala, dalawang spillway radial gates ang nakabukas ngayon sa Magat dam.

Ayon sa NIA-MARIIS, ito ay upang matugunan ang posibleng impact ng bagyo.

Pinakilos na rin ng tanggapan ang lahat ng kanilang mga opisina para magsagawa ng assessment sa kasalukuyang estado ng mga dams.