Umabot na sa critical level na 11 meters ang water level sa Buntun bridge sa Tuguegarao City.

Ito ay dahil sa pababa na ang mga tubig mula sa mga tributaries ng Cagayan river, kung saan kasama dito ang pinapakawalang tubig ng Magat reservoir sa Ramon, Isabela.

Batay sa inilabas na datus ng Provincial Disaster Risk Reduction Mangement Office o PDRRMO-Cagayn, pumalo na sa 16, 360 katao mula sa 5339 pamilya ang apektado ng bagyong Kristine sa 218 barangays ng 22 munisipalidad.

Samantala, sinabi naman ni Michael Conag ng Office of the Civil Defense Region 2 na inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga evacuees dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Cagayan river.

Kaugnay nito, patuloy din ang babala ng mga awtoridad sa lungsod sa mga residente na nasa mababang lugar na lumikas na at huwag nang hintayin ang pag-rescue sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay sa kabila ng pagtiyak ni Mayor Maila Ting Que na nakahanda ang lahat ng rescue assets ng lungsod sa mga kailangan na ilikas.

Nagbabala naman ang iba pang bayan sa kanilang mga mamamayan na nasa low lying areas na lumikas na dahil sa posibleng pagtaas pa ng antas ng ilog Cagayan.