TUGUEGARAO CITY- Kasalukuyan ang paglikas sa lahat ng mga residente sa isang barangay sa Abulug, Cagayan dahil sa baha.
Sinabi ni Anatacio Macalan ng PDRRMO na agad silang tumugon sa tawag ng kapitan ng Daan Ili para sa ilikas ang mga residente dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.
Ayon sa kanya, ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig baha sa Abulug ay bunga na rin ng mga tubig na nanggagaling sa mga kabundukan ng Calanasan Apayao at sa Abra bunga na rin ng mga pag-ulan.
Kagnay nito,sinabi ni Chester Trinidad ng DSWD na nakapamigay na sila ng mga relief goods at food packs sa 11 barangay na apektado ng kalamidad.
Ayon sa kanya, may sapat pang supply ng relief na handang ipamahagi sa mga mangangailangan ng relief goods lalo na ang mga nasa evacuation centers.
Kasabay nito, sinabi ni Trinidad na may mga financial assistance ang DSWD para sa mga naapektuhan ng kalamidad.