Bahagyang lumakas ang bagyong “Gener” habang mabagal itong kumikilos.

Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 325 km East Northeast ng Casiguran, Aurora.

Ito ay may sustained winds na 55 kph malapit sa senro at pabugso na 70 kph.

Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal NNo. 1 sa buong lalawigan ng Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, at ang northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands.

Tinatayang mag-landfall ang bagyo sa vicinity ng Isabela o Aurora sa susunod na 24 oras at lilitaw ito sa coastal waters ng La Union o Pangasinan bukas ng umaga.

-- ADVERTISEMENT --

Kikilos ang bagyo sa west wouthwestward sa West Philippine Sea bukas ng gabi at Miyerkules ng umaga.

sa labas ng Philippine Area of Responsibility, magpapatuloy ang pagtahak ng bagyo sa northweatward o west northwestward at posibleng magland-fall sa southern mainland China sa Biyernes, September 20.

Posibleng dadaan si Gener sa landmass ng mainland Luzon bilang tropical depression, bagamat ang posibilidad na ito ay maging tropical storm category bago ito mag-landfall ay hindi inaalis.

Dahil dito, pinag-iingat ang lahat ng mga residente sa mga maaapektohan ng sama ng panahon lalo na ang mga nasa mabababang lugar at mga lugar na may panganib ng landslides na maging alerto sa lahat ng pagkakataon.