Grounded na ang buong fleet ng Aleson Shipping Lines kasunod ng paglubog ng kanilang MV Trisha Kerstin 3 roll-on/roll-off ferry sa katubigan ng Basilan kahapon ng madaling araw, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kaugnay nito, inatasan ni DOTr acting secretary Giovanni Lopez ang MARINA na magsagawa ng maritime safety audit kasama ang Philippine Coast Guard, hindi lamang sa mga barko kundi maging sa mga crew.

Matatandaan na umalis ang nasabing barko mula Zamboanga City noong Linggo at patungo sana sa Jolo,Sulu nang lumubog ito sa katubigan ng Basilan kahapon.

Kumpirmadong 18 ang namatay at 10 pa ang nawawala.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga nawawala.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PCG, hindi pa sila nagsasagawa ng pormal na imbestigasyon sa insidente dahil sa inuuna nila ang pagtulong sa mga nakaligtas at paghahanap sa mga nawawalang pasahero ng MV Trisha Kerstin 3.