Nagsagawa ang Bureau of Aquatic Resources o bfar region 2 ng financial literacy training para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng quirino

Layunin nito na mabigyang daan ang mga fishpond operator na maayos na pamahalaan ang kanilang kabuhayan.

Lumahok sa naturang pagsasanay ang 25 opisyal at miyembro ng Sto. Tomas Farmers and Fisherfolk Association (SAFFA) ng Barangay Sto. Tomas ng bayan ng Maddela

Sinabi ni Christopher Casco, provincial fishery officer na ipinakilala ng bfar ang Fish ‘N Learn, isang financial education simulation game kung saan ang mga mangingisda ang pangunahing aktor na may pangunahing layunin na magbigay ng pangunahing konsepto sa maayos na pangangasiwa ng kanilang kita para mapalago nila ito at hindi masayang ang kanilang pagod

Nabatid na ang simulation activities na isinagawa sa nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng pagse-set up ng financial goals, pagbibigay ng magandang desisyon tungo sa financial growth, at paglalatag ng mga estratehiya sa mga tuntunin ng financial management.

-- ADVERTISEMENT --

Inihayag pa ni Casco na ang larong Fish N Learn ay ginawa sa ilalim ng Financial Education (FinEd) Program ng Bangkok Sentral ng Pilipinas para sa Fisherfolk katuwang ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at United States Agency for International Development-Fish Right Program.

Napag-alaman unang sumalang sa kahalintulad na financial literacy training ang ang Asosasyon ng mga Mangingisda ng Dagupan (AMaDa) ng Dagupan, Aglipay at ang Samahan ng mga Mangingisda ng La Paz (SAMA- La Paz) ng La Paz, Saguday sa naturang lalwigan.