Nagsagawa ng harvest field day ang bureau of fisheries and aquatic resources o bfar region 2 at pamahalaang local ng alfonso Castaneda sa lalawigan ng nueva Vizcaya upang ipakita ang matagumpay na turnout ng Pond-based Technology Demonstration Project sa grow-out culture ng Tilapia na iginawad sa dalawang pamilyang mangingisda sa barangay Lublub sa naturang bayan

Ayon sa bfar region 2 na bago ang paggawad ng fisheries project, dumalo sa capacity-building training sa pond-based grow-out culture ang mga fisherfolk beneficiaries na sina Bernard Castillo at Fernanda Fangayen para mapahusay ang kanilang fish farming skills
Maliban dito, nagbigay din ang ahensiya ng farm inputs tulad ng tilapia fingerlings, fertilizers, feeds at technical assistance.

Sa lawak na 1,000 metro kuwadrado at may laman na 5,000 pirasong Tilapia fingerling, ang paunang naani ni fangayen ay 102 kilograms ng marketable-sized Tilapia kung saan inaasahan na makakaani ito ng kabuuang 900 kilograms na may survival raye na 85 percent

Samantala, si Castillo, kasama ang polyculture project ay bahagyang umani ng 18 kilo ng Tilapia na may average na timbang na 230 gramo at 2 kilo ng Freshwater Prawn (Ulang) na may average na timbang na 40 gramo.

Ang proyekto ay nagresulta sa 82% survival para sa Tilapia at 50% sa Ulang na may kabuuang inaasahang produksyon na 286 kilo sa tilapia habang 30 kilo naman sa ulang.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sa isang hiwalay na lugar, tinuruan ang 15 lokal na mangingisda kung paano maghanda ng iba’t ibang processed products mula sa isda sa pagsasanay sa Fish Value Adding na pinangunahan ng training arm ng Bureau.

Ang dalawang araw na pagsasanay ay naglalayong ipakilala ang pang-ekonomiyang halaga ng Tilapia at iba pang mga produktong pangisdaan sa pamamagitan ng iba’t ibang naprosesong produkto at updated na teknolohiya sa pagproseso ng isda.

Natutunan ng mga kalahok ang mga key principles sa wastong fish handling, Good Manufacturing Practices, Sanitation Standard Operating Procedures at value-adding techniques.

Dahil dito, nabuo ang iba’t ibang produkto ng Tilapia, kabilang ang mga fish ball, fish roll, fish nuggets, at fish embutido.