Tinitiyak ng Bureau of Immigration dito sa lalawigan ng Cagayan na namomonitor ang mga dayuhan tulad ng mga manggagawa at foreign students.

Sinabi ni Allan Jim Ibarra ng field Immigration sa bayan ng Aparri na binabantayan nila ang mga Chinese at Vietnamese nationals na nagtatrabaho sa sa tulay na nagdudugtong sa pagitan ng Camalaniugan at Aparri.

Ayon sa kanya, na may visa naman ang mga ito at sila ang mga dayuhan na pinayagan na magtrabaho sa proyekto ng pamahalaan.

Sinabi niya na batay sa nakuha niyang update, 29 ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa nasabing proyekto.

Bukod dito, sinabi ni Ibarra na patuloy na nagbibigay ng report ang kanilang tanggapan dito sa lungsod ng Tuguegarao sa kanilang central office para sa naman sa mga foreign students partikular ng mga Chinese nationals.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, patuloy ang kanilang ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan lalo na sa National Bureau of Investigation para sa intelligence gathering para matiyak na legal ang kanilang pananatili sa bansa.

Ipinaliwanag niya na kung iligal ang mga ito ay maaari silang ipaaresto at ipadeport.