Inatasan ang lahat ng entry points sa bansa na magpatupad ng mahigpit na screening para sa mga bisita na mula sa ibang bansa na may kaso ng tinatawag na “FLiRT” variants ng COVID-19.
Kinumpirma ng Department of Health ang paglalabas ng memorandum na nag-aats sa Quarantine (BOQ) stations na magpatupad ng hightened alert para sa FLiRT variants, na kinabibilangan ng KP.1 at KP.2.
Inatasan din ang BOQ na paalalahanan ang mga travelers na sagutan ang health quastionaire na makikita sa kanilang e-Travel application.
Sinabi ni DOH spokesperson Albert Domingo, na ang direktiba sa BOQ ay mula kay Health Secretary Ted Herbosa.
Lumalabas na ang FLiRt variant ang dahilan ng tumataas na kaso ng COVID-19 cases sa ibang bansa, kabilang ang Singapore.
Una rito, sinabi ng DOH, na sa ngayon ay wala pang ebidensiya na ang KP.2 and KP.3 variants ay nagdulot ng severe o kritikal COVID-19.
Dahil dito, ang bahagyang pagtaas ng kaso ay hindi pa dahilan upang magpatupad ng travel restrictions.