Kinasuhan na ang driver ng pampasaherong bus na nakasagasa at nagresulta sa pagkasawi ng isang 58-anyos na lalaki sa Brgy San Juan, Sta Praxedes, Cagayan.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na kinilalang si alyas Salyeo, 39-anyos, may-asawa at residente ng Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon kay PEMS Gary Balauitan, imbestigador ng PNP- Sta Praxedes, naglalakad pauwi ang biktimang si alyas ‘Jose’, residente ng Brgy. Centro 2, Sta Praxedes nang bigla itong tumawid, pasado alas 9:00 ng gabi
Dahil dito kung kaya nabangga ang biktima ng paparating na bus kung saan nagulungan pa ito na nagresulta sa pagkawasak ng kanyang ulo at hindi na makilala.
Sinabi ni Balauitan na hindi naman lasing ang biktima subalit nasa impluwesiya ito ng alak nang mangyari ang aksidente at posibleng hindi nito napansin agad ang paparating na bus sa bahagi ng pababang kalsada.