
Nagbabala si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na maaring malagay sa alanganin ang Commission on Appointments (CA) kung sakaling aamenyadahan nito ang opisyal na record ng pagdinig noong Pebrero 4 na naglalaman ng kontrobersyal na pahayag ni Senator Rodante Marcoleta hinggil sa umano’y pagsulong sa pagsuko sa Kalayaan Islan Group sa Palawan.
Ayon kay Lacson, maaring pumasok sa falsification of legislative documents ang naturang hakbang kung babaguhin ang opisyal na tala sa pagdinig kung saan may parusa sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines, partikular sa Article 170, ang sinumang magbabago ng mga dokumentong lehislatibo nang walang sapat na awtoridad.
Ipinaliwanag ng senador na sa ilalim ng Article 170, maaring patawan ng prsion correctional hanggang sa maximum period at multang P1.2 milyon ang sinumang magbabago ng isang panukalang batas, resolusyon at mga pinagtibay na ordinansang o nakabinbin sa Kongreso man o sa mga lokal na konseho.
Sa ngayon ay nakabinbin pa ang mosyon ni Marcoleta na baguhin ang bahagi ng record ng pagdinig at ito ay ipanadala na sa Committee on Rules ng Commission on Appointments para sa pagsusuri.
Habang pinaabot na umano ni Lacson ang kaniyang pangamba kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na siya ring Chairman ang Commission on Appointments.





