Pumasok sa isang business partnership agreement ang cacao growers sa lalawigan ng Quirino sa isang Belgian company na nag-e-export ng mga tsokolate sa 35 bansa at may chocolate processing facility sa Subic Special Economic Zone.
Napag-alaman na nag-aalok ang DLA Naturals Incorporated na bumili ng cacao pods, wet, unfermented o fermented beans mula sa mga local cacao growers sa pamamagitan ng Quirino Cacao Industry Council.
Nagkasundo ang magkabilang panig sa kalidad ng mga beans na ibibigay, mga schedule ng koleksyon ng beans, pati na rin ang mga presyo ng pagbili.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Mary Ann Corpuz Dy na sa nasabing business partnership, mahihikayat ang mga local cacao farmers na i-adopt ang mga best practices sa cacao production, harvesting at post-harvest fermentation upang matiyak na matutugunan ang mga kinakailangan sa kalidad ng pamantayan ng mga mamimili.
Ayon kay Dy, isa rin itong pagkakataon sa negosyo upang palawakin ang mga lugar ng produksyon ng cacao sa lalawigan.