Naniniwala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makatutulong sa pagsugpo ng korapsyon ang isinusulong na Citizen Access and Disclosure of Expenditures for Nation Accountability o CADENA Bill ni Sen. Bam Aquino.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng “integrity chain” o blockchain system, mapapalakas ang transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng agarang pagpasa ng panukala upang mabigyan ang publiko ng mas madaling access sa impormasyon ng gastusin ng gobyerno. Itinuturing na rin itong legislative priority ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak naman ni DICT Secretary Henry Rhoel Aguda na may sapat na “check and balances” ang blockchain system.

Aniya, magiging accessible sa publiko ang datos ng mga transaksyon ng pamahalaan, kaya’t mas madaling ma-verify at ma-trace ang anumang iregularidad o error.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ganitong paraan, inaasahang mababawasan ang anomalya at masisiguro ang maayos at matibay na implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno.