Matapos ang dalawampung araw na masusing paghahanap, natagpuan na ang katawan ni Cadet Kyle Dave Punsalang noong Pebrero 15, 2025.

Si Punsalang ay kabilang sa mga crew member ng lumubog na M/V Trisha Kerstin at naging sentro ng atensyon sa mga nagdaang araw matapos mag-viral ang kanyang huling mensahe bago ang trahedya sa karagatan.

Kinumpirma ng kanyang pamilya na ang bangkay na na-recover kahapon ay si Punsalang, batay sa isinagawang pagkilala at beripikasyon.

Patuloy ngayon ang pagluluksa ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga netizens na tumutok sa kanyang kuwento mula nang mangyari ang insidente.

Kasabay nito, nananawagan sila ng ganap na hustisya para sa lahat ng nasawi sa trahedya at umaasang magsisilbi itong aral upang hindi na maulit ang kaparehong sakuna.

-- ADVERTISEMENT --