
Maluwag na tinatanggap ni Cagayan 3rd District Rep. Joseph Lara ang desisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na iendorso sa Office of the Ombudsman ang kaso patungkol sa kanyang kaugnayan sa JLL Pulsar Construction.
Nilinaw naman ni Lara na ang inindorso ng ICI sa Office of the Ombudsman ay hindi patungkol sa anomalya sa flood control, ghost projects, o substandard projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kundi patungkol lamang sa kanyang dating kaugnayan sa JLL Pulsar Construction.
Dagdag pa ni Lara bago pa man sya sumabak sa serbisyo publiko ay wala na syang anumang kaugnayan sa JLL Pulsar Construction.
Binanggit din ng kongresista na kahit kailan ay hindi sumali ang JLL Pulsar Construction sa mga kontrata ng mga proyekto sa Tersera Distrito ng Cagayan mula ng sya ay naluklok bilang kinatawan nito.
Magsisilbi rin aniya ang hakbang ng ICI na pagkakataon para sa kanya na harapin niya ang lahat ng mga paratang at patunayan sa “proper forum” na wala syang nilalabag na batas.
Tiwala si Lara na sa huli ay mananaig ang katotohanan.










