
Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman laban sa walong kongresista na sangkot sa maanomalyang flood control projects ng bansa.
Kabilang sa mga pinasasampahan ng kaso ay sina:
Former Rep. Elizaldy S. Co – FS Co. Builders Supply
Rep. Edwin Gardiola – Newington Builders, Inc.; Lourel Development Corporation; S-Ang General Construction & Trading Inc.
Rep. James Ang Jr. – IBC International Builders Corporation; Allencon Development Corporation
Rep. Jernie Jett Nisay – JVN Construction and Trading
Rep. Augustina Pancho – C.M. Pancho Construction Inc.
Rep. Joseph Lara – JLL Pulsar Construction Corporation
Rep. Francisco Matugas – Boometrix Development Corp.
Rep. Noel Rivera – Tarlac 3-G Construction & Development Corporation
Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes, saklaw ng joint referral ang 1,300 infrastructure projects mula 2016 hanggang 2024 na na-award sa mga contractor na may kaugnayan sa mga kongresista.
Binigyang-diin ng ICI na bawal sa mga mambabatas ang magkaroon ng direktang o hindi direktang interes sa anumang kontrata o prangkisa ng pamahalaan, alinsunod sa Article VI, Section 14 ng 1987 Constitution. Posible rin umanong lumabag ang mga opisyal na ito sa Code of Conduct for Public Officials at sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Giit ng ICI, hindi dapat pinakikialaman, pinakikinabangan, o naaapektuhan ng mga mambabatas ang procurement at bidding processes ng gobyerno.









