Isa nang tropical depression ang low pressure area (LPA) na namataan sa kanluran ng Babuyan Islands at tinawag itong “Emong.”.

Batay sa pinakahuling advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), isa nang tropical depression si Emong.

Si Emong ang panglimang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2025.

Ang pinakahuling tropical depression ay huling namataan sa 115 kilometers West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.

May lakas itong hangin na 45 km per hour malapit sa gitna at pagbugso na 55 km/hr, at kumikilos west-southwest sa bilis na 35km/hr.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ng Pagasa na ang Tropical Storm na si “Dante’ ay lumakas pa, at huli itong namataan sa 996 km silangan ng Extreme Northern Luzon.

May lakas itong hangin na 65km/hr at pagbugso na 80 km/hr.

Kumikilos ito sa west-southwestward sa bilis na 35 km/hr.

Dahil kay Emong, nakataas na ang tropical cyclone wind signals sa mga sumusunod na lugar:

Ilocos Norte, the western portion of Ilocos Sur (Sinait, San Juan, Cabugao, Santo Domingo, Magsingal, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Santa Maria, San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin), the northwestern portion of La Union (City of San Fernando, San Juan, Bacnotan, Luna, Balaoan, Bangar, Bauang), at ang western portion of Pangasinan (Dasol, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, City of Alaminos, Mabini, Anda)

Tinatayang kikilos si Emong southwestward ngayong araw bago tumawid sa West Philippine Sea bukas, July 24 dahil sa interaction nito sa bagyong Dante.

Sa track ng bagyong Emong, posibleng magkaroon ito ng landfall sa Ilocos Region, Babuyan Islands, o Batanes, lalo na kung magkakaroon ng eastward na pagkilos sa tinatayang forecast.

Samantala, si Dante ay posibleng mabuo na isang tropical storm bukas ng hapon o gabi.

Posibleng lumakas pa ito hanggang sa araw ng Biyernes, at lalo itong lalakas at maging severe tropical storm bago ang posibleng landfall.

Dahil sa dalawang sama ng panahon, pinapaalalahanan ang publiko at ang mga kaukulang disaster risk reduction and management offices na magpatupad ng mga kailangang hakbang para protektahan ang buhay at mga ari-arian.