Bilang paghahanda sa epekto ng Tropical Depression Isang, nagpatupad ng liquor ban at pagbabawal sa mga maritime activity ang probinsya ng Cagayan at Isabela.

Ipinatupad ng mga awtoridad sa Isabela ang liquor ban batay sa kautusan at babala ng provincial disaster risk-reduction management office (PDRRMO) sa publiko.

Ang sinumang mahuhuling umiinom sa panahon ng liquor ban ay pagmumultahin ng P2,000.

Kapag hindi mabayaran ang naturang halaga sa loob ng pitong araw ay itataas naman ito sa multang P3,000 at posibilidad ng pagkakulong ng tatlong buwan.

Mayroon ding multa ang mga establisyimento na magbebenta ng alak o nakalalasing na inumin. Kapag bigong mabayaran ang multa sa loob ng pitong araw ay itataas ito sa P5,000, posible rin ang anim na buwang pagkakulong o kanselasyon ng business permit.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa sa liquor ban, nagpatupad din ang Coast Guard ng “no sail” policy sa coastal areas ng Cagayan at Isabela.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ipinagbabawal ang paglangoy at fishing activities habang nakataas ang babala ng bagyo.