Napili si Governor Manuel Mamba ng Cagayan bilang “Gawad Champion of the Library” ng Association of Librarians in Public Sector o ALPS, Inc.

Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga Local Government Units (LGUs), indibidwal, organisasyon, at grupo na may malaking ambag sa pagpapalaganap at pagpapalawak ng mga pampublikong aklatan sa buong bansa upang maging mga institusyong nakatuon sa serbisyo, mga sentro ng kaalaman at pagkatuto, at mga lider ng inobasyon sa komunidad.

Mula sa limang Local Chief Executives (LCEs) na nangungunang kandidato mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, nanguna si Gov.Manuel Mamba at Kabilang sa Top 5 na napili ng mga hurado sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Governor Ramil Hernandez ng Laguna, ang Bangsamoro Library and Archives, at ang Provincial Library ng Negros Occidental.

Ikaugnay nigo isa sa mga prayoridad ni Gov. Mamba sa kanyang panunungkulan ay ang ayusin ang Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC). Noong 2019, sa pamumuno ng Gobernador, itinatag ang isang modernong pampublikong aklatan kng saan nagsilbing functional sa pampublikong aklatan na nagbigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga estudyante, guro, at maraming Cagayanos.

Ilan lamang ito sA Hindi mabilang na mga pambansang parangal na natanggap ng CPLRC para sa iba’t ibang inobasyon nito
kaya patuloy itong kinikilala sa bansa bilang isa sa mga pinakamahusay na pampublikong aklatan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang CPLRC ay binibisita ng ba’t ibang pampublikong aklatan upang suriin ang mga makabagong serbisyo na ginagawa at ibinibigay sa mga Cagayano.