governor Manuel Mamba

TUGUEGARAO CITY- Sang-ayon si Governor Manuel Mamba ng Cagayan na magpatupad ng martial law laban sa covid-19 kahit pagkatapos ng Enhance Community Quarantine sa April 30.

Binigyan diin ni Mamba na kailangan ang presensiya ng mga pulis at mga sundalo sa mga sa paglaban sa covid-19 dahil hindi umano pinapakinggan ng mga mamamayan ang mga local officials o mga pulitiko.

Tinig ni Governor Manuel Mamba

Kasabay nito, sinabi ni Mamba na dapat na ma-control pa rin ang paglabas ng mga tao pagkatapos ng ECQ.

Bukod dito, dapat na panatilihin ang social distancing, pagsusuot ng face mask at pagbabawal sa mass gahtering.

Binigyan diin ni Mamba na hindi pa dumarating ang mas matinding na giyera laban sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Governor Manuel Mamba