TUGEUGARAO CITY-Itinaas na sa “red alert status” ang tanggapan ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Council at lahat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC) sa Cagayan.
Ito ay bilang paghahanda sa pagtama ng bagyong Ineng sa probinsiya.
Batay sa pinirmihang memorandum ni Cagayan Governor Manuel Mamba, itinaas sa red alert ang probinsiya para maging handa ang mga kinauukulan sa pagtama ng bagyo.
Layon din nito na imonitor ng bawat concern agencies ang kanilang mga nasasakupang lugar lalo na ang mga nasa mababa at madalas bahain .
Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone wind signal 2 sa Batanes habang signal number 1 sa Cagayan, kasama ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.