Isinailalim na sa state of Calamity ang buong lalawigan ng Cagayan dahil sa malawakang pagbaha at landslide na dulot ng bagyong “Quiel” at cold front.

Sa resolusyon, sinabi ni Vice Governor Melvin Vargas, Jr na ang datos mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ay nagpapakita na nasa 5,500 pamilya o 22,000 indibidwal mula sa 115 Barangay sa labing-isang bayan sa lalawigan ang apektado ng pagbaha.

Partikular na nakararanas ng malawakang pagbaha ang nasa Northern Cagayan na kinabibilangan ng Sta Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Gonzaga, Sta. Ana at Baggao.

Bukod dito, sinabi ng bise gubernador na halos lima na ang patay dulot ng pagbaha at nagresulta sa pagkasira ng mga produktong agrikultura.

Sa inisyal na datos ng Provincial Agriculture, naitala ang P31.67 milyon na halaga ng mga pananim na palay mula sa 2,264 na ektarya na lubog sa baha.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng deklarasyon ng state of calamity na magamit ang calamity fund upang matulungan ang mga naapektuhang residente.

Tinig ni Vice Governor Vargas