Cagayan valley medical center

TUGUEGARAO CITY-Muling idineklarang covid-19 positive free ang Cagayan matapos magnegatibo sa pangalawang swab test ang huling nagpositibo na isang duktor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, natanggap nila kagabi ang resulta ng swab test ng pasyente at labis ang kanyang kasiyahan ng ito’y magnegatibo.

Kaugnay nito, maaari nang makauwi ang pasyente kasabay ng pagkakadeklara bilang covid-19 positive free ang Cagayan.

Bukod dito, bumaba rin ang bilang ng mga suspected patients matapos nagnegatibo ang 11 mula sa 28 kung saan maaari na rin silang makauwi at itutuloy ang kanilang quarantine sa kanilang tahanan .

Mayroon na lamang 17 suspected patients ang kasalukuyang minomonitor ng CVMC.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat bumaba ang bilang ng mga minomonitor na pasyente , muling nanawagan si Baggao sa publiko na huwag magpakamante sa halip ay sundin pa rin ang mga alituntunin ng gobyerno laban sa virus.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Matatandaan, bago natapos ang enhanced community quarantine sa Cagayan nitong buwan ng abril ay idineklarang covid-19 positive free ang lalawigan ngunit makalipas ang ilang linggo ay nakapagtala ng positive patient na mula sa bayan ng Baggao na kalaunan ay nagnegatibo rin.