Nakakaranas ngayon ng pag-ulan at hangin na may pagkulog at pagkidlat bunsod na rin ng bagyong “Carina” ang Tuguegarao City at buong lalawigan ng Cagayan.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 315 kilometers east ng Tuguegarao City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid na ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Babuyan Islands at sa eastern section ng mainland Cagayan at Isabela.

Kaugnay nito,nagbigay ng babala ang mga kinauukulan sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga residente na nasa low lying areas, nasa paanan ng mga bundok at nasa tabing dagat dahil sa paglakas ng mga alon.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabi bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, at northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.

Inaasahang tatawid ang tropical depression Carina sa northeastern portion ng Cagayan at Babuyan Islands sa pagitan ng gabi mamaya hanggang bukas ng umaga.