
Nakataas na sa signal number ang maraming lugar sa bansa matapos na makapasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Uwan na nasa typhoon category.
Nakita ang sentro ng bagyo sa may 985 Silangang bahagi ng Eastern Visayas.
May taglay pa rin ito ng lakas ng hangin na 130 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 160 kph.
Bumilis pa ito sa 25 kph at gumagalaw sa direksyon ng West northwestward.
Ang mga lugar na nasa Signal No. 2 ay sa Catanduanes at ilang lugar sa Visayas
Habang nasa signal number 1 naman ang Aurora, Nueva Ecija, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Zambales, Tarlac, Pangasinan, Dinagat Islands at Surigao del Norte
Ang nasabing mga lugar ay makakaranas ng malalakas na pag-ulan at hangin na may banta ng storm surge.
Inaasahan na magla-landfall ang bagyong Uwan sa southern Isabela o northern Aurora ng gabi ng Linggo (Nobyembre 9) o madaling araw ng Lunes, Nobyembre 10.
Maaring umabot sa super typhoon category ang bagyo mamayang gabi o Linggo ng umaga Nobyembre 9.
Patuloy na pinapaalerto ang mga bayan na dadaanan ng bagyo dahil sa dulot nitong lakas ng hangin at pag-ulan.








