Target na mapasinayaan sa darating na buwan ng Disyembre ang ipinapatayong Cagayan North Solar Power Project sa bayan ng Lal-lo Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni Leomar Israel ng National Economic and Development Authority (NEDA) region 2.

Ayon kay Israel na targe ng Solar Power Project na makalikha ng 133 megawatts ng elektrisidad na magiging kapakipakinabang sa mga residenteng mabebenipisyuhan nito.

Ang naturang proyekto na itinatayo ngayon sa 115 hectares ng lupain ay inaasahang makakapag-supply ng kuryente na hindi bababa sa 75,000 na kabahayan sa buong taon.

Inihayag ni Israel na magiging full operational ang natrang proyekto ng pribadong kumpanya at balak pa nila itong palawigin o palawakin para sa dagdag na 133megawatts.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi aniya ito ng pagsisikap ng pamahalaan na ma-develop ang mga alternative source of energy sa bansa para maibsan ang carbon emission sa power generation na nakakasira sa kalikasan.

Maliban sa Solar Power Project sa Lal-lo ay pinag-aaralan din ng isang pribadong kumpanya na maglagay ng wind energy supply sa bayan ng Buguey habang isa pang feasibility study ang ginagawa ngayon sa City of Ilagan sa Isabela para sa planong pagtatayo ng 300 megawatts na Solar power plant sa lugar.