TUGUEGARAO CITY- Inalerto ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang publiko sa posibleng mga pagbaha bunsod ng mga pagbuhos ng ulan at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam sa Isabela.

Inatasan ng PDDRMO ang lahat ng mga LGU’s na magsagawa ng pre-emptive o force evacuation kung kinakailangan.

Sinabi ni Daisy Mamauag ng PDDRMO na 7.4 meters na ang level ng tubig sa Buntun at posibleng tumaas pa ito dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Gayonman, sinabi na batay sa report sa kanila ng mga MDRRMO ay wala pang lumikas na mga residente.

Sa ngayon ay 6 spillway gate ang binuksan sa Magat dam, ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos na rin ng RDRRMO ang pre-emptive evacuation sa mga residente na posibleng makakaranas ng mga pagbaha.

Sinabi ni Engr. Wilfredo Gloria na nasa 191. 61 meters ang water level ngayon sa Magat na malapit na sa spilling level na 193 meters.

Ayon sa kanya, ito ay bunsod na rin ng mga pagbuhos ng ulan sa watershed areas sa Nueva Vizcaya, Ifugao at Isabela.

Samantala, mpassable na ang Pinacanauan Overflow bridge at ang kahabaan ng Pinacanauan Nat Tuguegarao Avenue at mga daan at maging ang isang daan sa Masi, Rizal dahil sa soil erosion.

Matatandaan na matinding pagbaha ang naranasan ng Cagayan nitong nakalipas na buwan kung saan siyam ang namatay.